Martes, Pebrero 10, 2015

Si Juan at ang Makabagong Teknolohiya

Android phones, Iphones, tablets, laptops, computers at kung anu-ano pa. Makabago na talaga ang panahon ngayon, umuusad ng umuusad ang pag-unlad ng teknolohiya saan mang sulok ng mundo. Nariyan ang iba't-ibang mga gadgets na talaga namang patok na patok kay Juan Dela Cruz, maging mga kabataang paslit yata ay hindi pahuhuli sa paggamit ng makabagong teknolohiya ngayon. Kung noon ay tanging papel, ballpen at sobre ang gamit sa pakikipag-usap at kung ilang araw pa bago ito matanggap ng iyong sinulatan, ngayon sa isang pindot sa cellphone agad agad mo nang maipapadala ang iyong mensahe at agad agad na rin itong mababasa. Ganyan na ngayon ang panahon.
At kung usapang gadgets din lang naman, malalayo ba naman ang usaping internet? Na kung saan isang napakalaking naiambag ng teknolohiya sa makabagong mundo natin ngayon. Si Juan Dela Cruz walang magawa kung hindi ang sumunod sa agos ng panahon, dahil sa malawak na mundo ng world wide web, napasok na rin ni Juan ang mundo ng Social Networking Sites. Nariyan ang Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram at kung anu-ano pa. Madali mo nang maabot ang mundo dahil sa mga ito, paano ko nasabi? dahil sa mga SNS na ito maari mo nang makausap at makakilala ng iba't-ibang tao mula sa kahit saang parte ng mundo. Ang iyong mga kamag-anak na Overseas Filipino Workers ay madali mo nang makukumusta at maaaring makausap mo na para bang kaharap mo sila. MAraming mabuting dulot ang internet at Social Networking Sites, ngunit mayroon din naman itong dulot na hindi maganda lalo na sa mga kabataang mag-aaral.
Marami sa mga kabataang Juan ang hindi makukumpleto ang araw ng hindi nakakapag-update ng kanilang status sa FB o twitter maging sa instagram kahit pa isang simpleng 

"Hello" lang naman ang gustong sabihin. Nariyan pa ang walng kasawan-sawang "selfie" o ang pagkuha ng litraro sa sarili na siya namang ipopost sa kani-kanilang wall o profile. Marami sa mga kabataan ang naglalaan ng buong oras nila sa pagpe-facebook at twitter, ang ilan sa kanila ay ginawa nang diary o journal ang mga SNS na ito. Sana lang hindi nila napapabayaan ang kani-kanilang pag-aaral. Marahil magkaroon na lamang tayo ng limitasyon sa paggamit ng social networking sites, wala namang masama sa pagsunod sa agos at pagbabago ng mundo kung hindi naman ito lubos na makakaapekto sa buhay natin bilang isang produktibong indibiduwal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento